I-port in ang Iyong Canadian Number sa kini
Paksa: MagsimulaFeaturedNai-publish noong Oktubre 20, 2026
Ang guide na ito ay para sa pag-transfer ng Canadian number gamit ang My kini.
Pagkatapos ma-activate ang iyong kini SIM, maaari mong i-port in sa kini ang kasalukuyan mong Canadian phone number.
Bago mag-request ng port-in
- Huwag i-delete ang anumang eSIM o i-cancel ang account sa original operator hangga’t hindi pa kumpleto ang transfer.
- Siguraduhing active ang iyong phone number at nakakatanggap ka pa rin ng text sa kasalukuyan mong SIM o eSIM bago ito i-port in.
- Kung applicable, tandaan na maaaring mawala ang natitirang balance o magkaroon ng early cancellation fee mula sa kasalukuyan mong provider kapag lumipat ka sa kini.
I-port in ang iyong number sa kini
- Ipasok ang kini physical SIM, o i-turn ON ang kini eSIM bilang current line.

- Mag-sign in sa My kini gamit ang OTP na matatanggap sa bago mong kini SIM.
- Piliin ang Port-in at sundin ang instructions para i-submit ang Canadian number at mag-request ng account information.

- Piliin ang Port-in Number Type:
- Para sa Mobile number, karaniwang 15–60 minuto ang processing.
- Ilagay ang mobile number para i-check ang eligibility at
- Magbigay ng ISA sa mga sumusunod:
- Account number ng current provider
- PIN ng current provider, o
- IMEI (Call * # 0 6 # sa phone mo).

Para sa Wireline number (karaniwang 3–5 business days ang processing)
Ilagay ang lahat ng required information, gaya ng first name, last name at address, eksaktong gaya ng nasa records ng current provider.
- Para sa Mobile number, karaniwang 15–60 minuto ang processing.
- Panatilihing available ang SIM o eSIM ng current provider para matanggap ang text na humihingi ng authorization para sa port-in, kung applicable.
- Kung nakatanggap ng authorization text, mag-reply ng YES ayon sa instructions ng provider sa loob ng 90 minuto.
- Kung hindi ka makapag-reply sa itinakdang oras, maka-cancel ang request. Magsumite ulit ng port-in request o makipag-ugnayan sa kini Customer Support para ma-restart ang process.
- Lumipat sa kini SIM at hintayin ang confirmation text. Kapag kumpleto na ang port-in, subukang tumawag at mag-send ng text gamit ang na-transfer na number.
Panoorin ang port-in demo video:
Kung hindi pa kumpleto ang transfer
- I-check kung nakatanggap ka ng authorization text at nakapag-reply sa loob ng 90 minuto.
- Siguraduhing tugma ang details sa My kini sa records ng dati mong provider. Maaaring ma-delay ang transfer kung mali o invalid ang information. Magte-text ang kini kung may kailangang i-update.
- Huwag magsumite ng duplicate requests maliban kung hiniling ng support team o sa pamamagitan ng SMS.
Kailangan ng tulong? Tumawag sa +1 (877) 822-1888 o mag-email sa support@kinimobile.com at ihanda ang iyong SIM at order details.
Ano ang susunod?
Kapag gumagana na ang iyong number sa kini, i-check ang plan at renewal date sa My kini. Pagkatapos, maaari mong i-set up ang Auto-pay at voicemail.