Lumipat sa eSIM / Physical SIM
Gusto mong palitan ang uri ng SIM na ginagamit mo sa kini o ilipat ang eSIM sa ibang device? Makipag-ugnayan sa customer support para ma-arrange ang switch para sa existing line.
Bago magsimula
Panatilihing available ang current SIM o eSIM hanggang makumpleto ang switch. Kailangang i-verify ng customer support ang SIM ownership bago gumawa ng changes.
Lumipat sa eSIM
Maaari kang
- Lumipat mula sa physical SIM papuntang eSIM.
- Ilipat ang eSIM sa ibang device.
- Palitan ang eSIM para sa nawala o sirang device.
Kakailanganin mo ang:
- Wi-Fi connection
- Access sa email address na tatanggap ng eSIM instructions, at
- eSIM-compatible na phone
I-check kung supported ng phone ang eSIM sa pamamagitan ng *#06#. Kung may EID number, supported ang eSIM.
- Tumawag sa 1888 mula sa active kini line para mag-request ng switch.
- Kumpletuhin ang ownership verification at sundin ang instructions ng support team.
- Kapag natanggap ang eSIM activation email, kumonekta sa Wi-Fi at sundin ang installation instructions.
- Kapag kumpleto na ang switch, i-test ang calls, texts at mobile data.
Ang bawat eSIM QR code ay isang beses lamang maaaring i-install. Kapag dinelete ang eSIM, hindi ito ma-reinstall gamit ang parehong code.
Mula eSIM papuntang physical SIM
Makipag-ugnayan sa customer support para i-check ang available options at ma-arrange ang physical SIM para sa existing line.
Huwag i-delete ang current eSIM hangga’t hindi kinukumpirma ng support na kumpleto na ang switch.
Do not delete your current eSIM before support confirms that the switch is complete. Once instructed, insert the physical SIM and test your calls, texts, and mobile data.
Ililipat ang eSIM sa ibang phone?
Hindi maaaring gamitin ulit ang existing QR code sa ibang phone. Makipag-ugnayan sa support para sa eSIM transfer at panatilihin muna ang eSIM sa lumang phone hanggang may ibang instruction.
Kung hindi makakonekta ang bagong SIM
- I-restart ang phone.
- Siguraduhing enabled ang kini line.
- Kung dual SIM ang device, piliin ang kini para sa calls at mobile data.
- Kumpirmahin sa support na kumpleto na ang switch.
Kailangan ng tulong?
Makipag-ugnayan sa customer support by calling 1888 gamit ang kini line, o +1 (877) 822-1888 gamit ang ibang phone. Maaari ka ring mag-email sa support@kinimobile.com.