I-manage o palitan ang iyong mobile plan
Mga Uri ng Plan
| Service & Features | All-in-one / All-in-one+ | Pinoy / Pinoy+ | Basic |
|---|---|---|---|
| Data allowance ayon sa selected plan | ✓ | ✓ | ✓ |
| Unlimited Canada-wide talk & text | ✓ | ✓ | ✓ |
| 1,000 international minutes mula Canada papunta sa 15 destinations^ | ✓ | ✓ | — |
| 100 international minutes mula Canada papunta sa Philippines at 4 destinations* | — | ✓ | — |
| Libreng 1 Plan, 2 Numbers | HK or China number | Philippine number | — |
| Data Appreciation Rewards (from 3rd renewal) | ✓ Extra Canada data + Hong Kong roaming data | ✓ Extra Canada data | — |
| Customer Support | ✓ English, Cantonese, Mandarin, Filipino Tagalog and French | ||
| GCash Cashback (every CAD$200 spent) | — | ✓ ₱500 | — |
| No contract, credit check and SIM card fee | ✓ | ✓ | ✓ |
^Kasama ang Australia, Mainland China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Mexico, New Zealand, Singapore, Taiwan, Thailand, US at Vietnam.
*Kasama ang Pilipinas, Bahrain, Kuwait, Saudi Arabia at UAE.
I-check ang individual plan details para sa data allowance, included destinations at benefits.
I-check ang remaining data at expiry date sa My kini o sa pag-text ng CHECK sa 1888.
Mag-request ng plan change
I-send ang “Plan Code” na makikita sa Plan page sa 1888 gamit ang kini mobile number, o tumawag sa 1888 mula sa active kini line para sa assistance.
- Palitan sa susunod na renewal
Magkakabisa ang bagong plan sa susunod na renewal date kung available ito; kung hindi, magpapatuloy ang current plan.
Or Palitan agad
Maaari mong piliing i-activate agad ang bagong plan. Magkakabisa ito kaagad at ma-re-reset ang renewal date. Matatapos din kaagad ang current plan at walang refund para sa unused portion.Bago magpatuloy, siguraduhing sapat ang iyong account balance para mabayaran ang fee ng bagong plan. Hindi awtomatikong babayaran ng Auto-pay ang fee na ito. Kung kulang ang iyong balance, kailangan mo munang mag-top up.
Ano ang mangyayari sa data rewards kapag nagpalit ng plan?
Ang Canada Data Appreciation Rewards ay para sa eligible All-in-one, All-in-one+, Pinoy at Pinoy+ plans. Ang Hong Kong roaming data rewards ay para lamang sa eligible All-in-one at All-in-one+ plans.
Ang pag-downgrade, gaya ng paglipat sa Basic Plan, o pag-terminate ng monthly plan ay magre-reset ng accumulated reward tenure. Mag-check muna sa customer support kung ang napiling pagbabago ay itinuturing na downgrade.
Ang iba pang promotional benefits, kabilang ang kini-get-kini rewards, ay subject pa rin sa kani-kanilang eligibility requirements.
Panatilihing renewed ang plan
Siguraduhing sapat ang account balance para sa monthly fee, o mag-set up ng Auto-pay. Kung gumagamit ka na ng Auto-pay, i-check na valid pa ang payment card.
Para sa instructions kung paano mag-top up at panatilihing active ang iyong service, tingnan ang Renew your monthly plan.
Kailangan ng tulong?
Makipag-ugnayan sa customer support by calling 1888 gamit ang kini line, o +1 (877) 822-1888 gamit ang ibang phone. Maaari ka ring mag-email sa support@kinimobile.com.